Inaksyunan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan ang isang ginagawang drainage na nakadirekta diumano sa isang bahagi ng beach sa Bonuan Binloc.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez, ang nasabing konstruksyon ay dinulog diumano ng barangay sa kanilang tanggapan. Aniya, hindi sila kailanman pumayag na magkaroon ng drainage na direktang umaagos sa mga beach para hindi makompromiso ang kalinisan ng pinagliliguan ng mga bisita.
Ayon naman kay DENR at City Engineering Officer Josephine Corpuz, dati na umano itong ginawa at pinahinto, ngunit ipinagpatuloy diumano ng may-ari ng isang bahay roon ang paggawa ng nasabing drainage.
Dagdag pa, aniya na masasagasaan ng naturang ilegal na konstruksyon ang RA 9265 o Clean Water Act, at dahil napag-alaman din na walang permit ang kinatatayuan ng bahay kaya naman ay sumasagasa ito sa PD 1096, o ang pagkakaroon ng kaukulang permit sa mga itinatayong istruktura.
Samantala, dadalhin diumano ang naturang concern sa City Legal Office para sa kaukulang aksyon laban dito |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨