𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗨𝗠𝗜𝗟𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗗𝗞𝗔𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima na si jelyn lucen, 58 anyos na pasahero ng tricycle sa Brgy. Baca, Villasis matapos makaladkad at tumilapon ang sinasakyan nito.

Sa imbestigasyon, sinusubukan umano lumusot ng kotse na minamaneho ng isang nigerian national nang hindi mapansin ang kasalubong na motor dahilan para bigla itong bumalik sa linya.

Dito na nabangga ng kotse ang tricycle kaya ito tumilapon sa kanal saka nakaladkad ng ilang metro.

Sugatan ang driver ng tricycle habang ligtas naman ang driver ng kotse. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments