𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang ginang matapos itong tumalon mula sa sinasakyang behikulo na natanggalan ng gulong sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat, ang biktima ay isang byuda na edad 69.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakisakay lamang umano ang biktima kasama ang isang pang ginang na edad 54 sa kanilang kababayan na magdedeliver noon ng aning gulay sakay ng Tamaraw FX.


Nasa pababa at pakurbadang bahagi umano ang sasakyan nang natanggal ang isa sa mga gulong sa likuran

Posibleng dahil sa nerbiyos, tumalon umano ang biktima mula sa likurang bahagi sasakyan.

Ayon sa pulisya, nabagok umano ang biktima dahilan upang magtamo ito ng malalang sugat. Isinugod pa ito sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival ng umasisteng doktor.

Facebook Comments