𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead on arrival sa pagamutan ang Isang sesentay dos anyos na ginang matapos itong pagbabarilin sa San Carlos City

Ang biktima ay nakilalang si Elisa Ragas residente ng Brgy Doyong sa nasabing Lungsod

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pauwi ang Ginang sa kanilang bahay pasado alas Sais ng Gabi ng ito ay sundan ng mga suspek at pinaulanan ng bala ng malapit na ito sa kanilang bahay

Nagtamo ng Tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek maging motibo sa pamamaslang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments