𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗘𝗡 𝗞𝗨𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Kusang sumuko sa awtoridad ang 64 anyos na driver kinilala bilang si Cesario Casaclang residente ng Brgy. Baybay Lopez, Binmaley matapos nitong saksakin ang 44 anyos na ginang dahil sa alitan na hindi pa tukoy ang dahilan.

Nagkasagutan umano ang suspek at biktima na si Lea Apilado hanggang sa ilabas ng suspek ang kitchen knife na ginamit na pangsaksak sa biktima.

Nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng dibdib ang biktima at isinugod pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober naman ng awtoridad ang ginamit na patalim habang ang suspek ay nasa kustodiya ng awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments