𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗢 𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkamatay ng Isang ginang sa bayan ng Sto Tomas.

Ang biktima ay nakilalang si Evelyn Arcalas residente ng Brgy. Sto Domingo sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, ilang araw na umanong hindi nakikita ang biktima kaya hinanap ito ng mga kaanak kung kaya’t hinanap ito.

Hanggang sa makita na lang ang katawan nito na nakahandusay sa kanyang kwarto kung kaya’t agad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Nagsagawa na ng ilang mga eksaminasyon upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments