𝗚𝗢𝗕𝗘𝗥𝗡𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗢𝗨𝗡𝗧𝗔𝗜𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗘, 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗗𝗨𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Nilagdaan nina Isabela Governor Rodito Albano III at Mountain Province Governor Bonifacio Lacwasan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapalakas ng imprastrakturang pang-agrikultura at ugnayan ng dalawang nabanggit na probinsya sa Balai Capitol Compound sa Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Saklaw ng kasunduan ang pagpapagawa ng Malamtan-Bitabit-Catao Farm-to-Market Road kung saan ay nag-uugnay ito sa bayan ng Paracelis, Mountain Province at barangay Dunmon, Quezon, Isabela.

Siniguro naman ng dalawang gobernador ang kanilang suporta sa nasabing proyekto para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa parehong lalawigan.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Infrastructure Development (I-BUILD) sa ilalim ng Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP).

Facebook Comments