CAUAYAN CITY – Matapos maghain ng resolusyon sa Kamara si 3rd District Congressman Jojo Lara para ipa-imbestiga umano ang pagdagsa ng Chinese students sa Tuguegarao, iginiit ng Ama ng Probinsya ng Cagayan na walang kapahamakang dulot ang mga foreign students sa lalawigan.
Ayon kay Governor Manuel Mamba, hindi na umano programa ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagdami ng mga banyagang nais mag-aral sa lungsod ng Tuguegarao.
Paglilinaw niya, isa ang Cagayan partikular ang lungsod ng Tuguegarao na itinuturing na educational center sa bansa dahil may apat (4) dito na malalaking unibersidad bukod pa sa mga iba’t ibang kolehiyo
.
Mariin din nitong iginiit na nag s-sponsor ng Chinese students ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Panghuli, sinabi ni Gov. Mamba na wala umanong dapat ikatakot sa mga ito bagkus isang magandang hakbang ito upang mas makilala pa ang lungsod at ang lalawigan sa ibang bansa.