𝗚𝗢𝗢𝗗𝗕𝗬𝗘 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Mahigpit na tinututukan ngayon at pinaiiral alinsunod sa Dagupan City Ordinance No. 1929-09, ang mga karampatang multa nang sino man na nahuling nagtatapon o maling disposisyon ng basura.

Sa insidenteng naganap sa kahabaan ng Arellano St. Brgy. Pantal, dalawang lalaki ang nahuli dahil sa hindi wastong pagtatapon ng basura.

Ipinahayag ng alkalde ng lungsod ang kagustuhang tuluyang maipasara ang dumpsite sa may Tondaligan Beach at mataos ang krisis na matagal nang kinakaharap ng Dagupan.

Paalala ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa kanyang facebook post, “Ang pagkakalat, pagtatapon o pagtatambak ng mga basura sa mga pampublikong lugar tuladbng kalsada, kanal, estero o sa mga parke o ang pag udyok o pagbibigay pahintulot na gawin ito ay labag sa batas”.

Sa naturang ordinansa, magmumulta ng PHP300 para sa first offense, *₱*500 para sa second offense at *₱*1000 naman sa third offense o maaaring community service ng isa hanggang labing limang araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments