Naghatid ng tulong ang grupo ng kabataan sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa bayan ng Lingayen.
Mas pinili ng grupo ni Adggie Bravo Sevidal ang lumabas ng bahay at tumulong sa mga evacuees at rescuers kaysa tumambay lang sa bahay sa gitna ng Bagyong Kristine.
Sila mismo ang nagtulong-tulong upang ihanda ang lugaw at pandesal para sa 400 indibidwal na inilikas.
Ayon sa grupo, sa maliit na paraan ay maaring makatulong sa kapwa at maipakita ang pagkakaisa lalo na sa panahon ng sakuna.
Samantala, kaliwat kanan na ang inilunsad ng iba’t-ibang grupo sa pangasinan na donation drive upang matulungan ang mga residenteng apektado ng bagyo sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments