Ipinamalas ng dalawang mag-aaral mula sa San Nicolas ang kanilang angking galing sa fruit carving.
Si Kate at Aleah o mas kilala sa bansag na Fruit Carving Duo ay Kapwa Grade 5 students at mag-aaral mula Salpad Elementary School na nagwagi sa Technolympics o paligsahan sa fruit carving sa Regional Level.
Mula sa simpleng prutas ay maaaring baguhin ang hugis nito at anyo, upang maging isang bulaklak, hayop o bagay sa pamamagitan lamang ng pag-ukit
Hindi biro ang nasabing pag-uukit sapagkat nangangailangan ito ng maraming oras at dedikasyon.
Ayon sa dalawa, dalawang taong pagpupursige at pag-eensayo ang kanilang inilaan sa araw ng patimpalak upang humakot ng medalya at mapagtagumpayan ang kanilang presentasyon.
Sinong mag-aakala na ang simpleng prutas ay hindi lamang magiging katakam-takam sa panlasa subalit gayundin sa ating mga mata dahil sa galing at dedikasyon ng dalawang mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨