𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟴 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗖𝗔𝗡 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Nalunod ang isang 13 anyos na Grade 8 student na dalagita sa Angalacan River sa bahagi ng Barangay Casibong sa San Jacinto, Pangasinan matapos magkayaang maligo kasama ang mga kaibigan na maligo sa naturang ilog.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang ala una ng hapon ng September 8, 2024 nang magkayayaan ang biktima kasama ang lima pa nitong kaibigan na maligo sa ilog.

Habang naliligo, napadpad ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at inanod ng malakas na agos. Dito na napansin ng magkakaibigan na nawawala ang biktima at agad humingi ng saklolo.

Bandang alas kwatro ng hapon ng parehong araw, natagpuang lumulutang ang katawan ng biktima. Isinugod pa ito sa pagamutan ngunit idineklara nang dead on arrival ng doktor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments