𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗤𝗨𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡

Laking gulat umano ng isang lalaki nang makatagpo ng isang hand grenade sa isang sakahan sa Brgy. Baligayan, San Quintin, Pangasinan.

Ayon kay Virgilio Gayo, naghahanap lamang umano ito ng gagamba sa sakahan nang matagpuan nito ang pampasabog.

Kinakalawang na ang granada at bahagyang nakalubog lamang sa lupa nang makita niya ito.

Nasa kustodiya na ng Provincial EOD and Canine Unit ang granada para sa tamang disposiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments