𝗚𝗥𝗔𝗦𝗦 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Muling naitala ang isang grassfire incident sa lungsod ng Dagupan partikular sa barangay Bolosan, kahapon, March 8, 2024.

Ayon sa nakasaksi ng nasabing insidente, nakitaan ng makapal na usok ang isang bakanteng lote katabi ng kanilang bahay, habang sumisiklab ang apoy dahil na rin sa mga malalaking damo.

Nirespondehan ang naturang sunog ng isang Volunteer Fire Brigade, BFP Region One Dagupan, at Dagupan CDRRMC kung saan idineklarang fire out ito pagkatapos ng higit dalawang oras.

Wala namang ibang nadamay na mga kabahayan ang sunog.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga kinauukulan sa mga kaalaman may kaugnayan sa sunog lalo na at ngayong buwan ng Marso ang National Fire Prevention Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments