𝗚𝗥𝗢𝗨𝗡𝗗𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗟𝗜𝗡𝗞 𝗘𝗫𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗪𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗦𝗢

Isasagawa na sa buwan ng Marso ngayong taon ang groundbreaking ceremony ng nakatakdang Pangasinan Link Expressway project.

Ayon sa panayam ng ifm news dagupan kay Pangasinan PIO Chief Dhobie De Guzman, asahan na umano ang pagsasagawa ng groundbreaking ceremony ng malaking proyektong ito ng provincial government sa darating na Marso.

Ang naturang proyekto ay makatutulong sa madaliang transportasyon sa lalawigan kung saan ito ay mag-uugnay sa eastern part ng Pangasinan sa western part ng Pangasinan.

Mag-uumpisa ito sa TPLEX exit sa bahagi ng Binalonan patungong Lingayen.

Kaya naman, mula sa dalawa at kalahating oras na byahe mula Binalonan papuntang Lingayen ay magiging 30 minutes to 45 minutes na lamang sa tulong ng proyektong link expressway na ito.

Makatutulong rin umano ito sa pagbubukas ng ibat-ibang oportunidad gaya ng pagpapasigla ng turismo ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments