𝗚𝗥𝗢𝗨𝗡𝗗𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗟𝗗 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗔𝗚𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng LGU Buguey at Department of Trade and Industry (DTI) ang groundbreaking ceremony bilang simula ng pagpapatayo ng cold storage facility, kahapon ika-26 ng Hulyo.

Pinondohan ng DTI ang naturang cold storage ng mahigit P9-million pesos habang P5 million pesos naman ang galing sa LPGMA partylist.

Ipinahayag ni Buguey Mayor Licerio Antiporda III, na malaking tulong ang facility na ipapatayo para maiwasan ng post-harvest losses lalo na at ang kanilang probinsya ang isang pinagkukunan ng mga produktong malaga (rabbitfish), mangrove crabs, at guraman (Gracilia species).


Ang naganap na seremonya ay bahagi ng kanilang ikatlong selebrasyon ng Buguey Malaga and Guraman Festival.

Facebook Comments