Nanindigan ang grupong Bantay Bigas na hindi sagot sa problema ng Bigas sa Pilipinas ang planong pag-amyenda sa Rice Tarrification Law.
Sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, ang pagtutok sa tunay na problema sa Bigas sa Pilipinas ang dapat na tutukan.
Aniya, hindi kaya ng nasabing pag-amyenda ang naging problema ng mga magsasaka sa palay at bigas lalo na at sinasabing importasyon ang sinasabing solusyon dito.
Para na rin umano itong pag-amin na hindi talaga masolusyunan ang problema sa bigas ng pamahalaan lalong-lalo na ang sinasabing dapat ay self-sufficiency ng bansa.
Nananatili naman, aniya, ang kanilang punto na dapat ay ibasura ang rice tarrification law. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments