π—šπ—₯π—¨π—£π—’π—‘π—š 𝗕𝗔𝗑 π—§π—’π—«π—œπ—–π—¦, π—‘π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—œπ—Ÿπ—œ π—‘π—š π—›π—”π—Ÿπ—Ÿπ—’π—’π—ͺπ—˜π—˜π—‘ π—œπ—§π—˜π— π—¦ 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗔π—₯π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗑𝗔 𝗨𝗑𝗗𝗔𝗦

Nagbabala ang toxic campaigner group na ban toxic sa mga magulang ukol sa pagbili ng mga costume o maskara para sa mga bata, sa paggunita ng Halloween season.

Lumabas sa ginawang pagsusuri ng grupo sa anim na maskara na binili nito, pumalo sa 1,130 parts per million ang lead na nakita rito, samantalang 160 ppm naman ng cadmium. Ang lead at cadmium ay mga kemikal na delikado para sa kalusugan ng tao. Dagdag pa riyan, lumabag din umano sa RA 10620 ang mga sinuring produkto, o ang Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.

Ayon kay Thony Dizon, kailangang bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagbili ng mga ganitong uri ng mga kagamitan upang hindi na humantong pa sa malalang kondisyon sa kanilang kalusugan.

Gayunpaman, suhestyon ng grupo na mainam na gumawa na lamang ng sariling costume o maskara o bumili sa mga establisyimentong tumatalima sa itinakda ng batas. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments