Ikinatuwa ng Dagupan Skate Crew, isang grupo ng mga skaters mula sa lungsod ng Dagupan, ang plano ng pagpapatayo ng Skatepark sa bahagi ng Tondaligan Ferdinand Beach.
Anila, sana raw ay matuloy na talaga ang pagsasagawa ng naturang Skate Park upang magkaroon sila ng mas maayos at ligtas na lugar kung saan nila isasagawa ang kanilang mga aktibidad.
Ayon pa sa kanila, susuportahan nila ang planong ito na may dalang layunin na mas makapanghikayat pa ng ilang mga kabataan na ibaling ang atensyon sa pag skate. Laking pasasalamat din nila sa lokal na pamahalaan at mga taong nasa likod ng naturang proyekto para sa pagsuporta sa kanilang mga adhikain.
Samantala, mensahe naman ng Dagupan Skate Crew sa ibang kabataan na magskate na lang sila upang makaiwas sa mga masasamang gawain. Ayon pa sa kanila, mainam ito dahil makakapagexercise sila, gayundin ay magkakaroon pa sila ng skills sa nasabing larangan.
Matatandaan na nagpulong kamakailan ang Pangasinan Skateboarding Community at ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ukol sa napipintong pagtatayo ng pinakaunang skate park sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨