Inilunsad ang programang βMasayang Gulayan para sa Malusog na Kabataanβ ng Schools Division Office ng San Carlos City kahapon ika-12 ng Setyembre sa Talang Central School.
Sa paglulunsad nito, hindi nagpaawat ang mga mag-aaral dahil ang naka costume ang mga ito ng ibaβt-ibang klase ng gulay bilang pagpapaalala sa sustansyang taglay ng gulay.
Ang mga guro, mag-aaral at mga magulang ay nagkapit bisig upang magtanim ng mga gulay sa garden ng naturang paaralan.
Layunin ng Gulayan sa Paaralan na ipamulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng malusog na pangangatawan at nutrisyon sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay.
Hindi lamang ang kasabihang βkung may itanim may aanihinβ ang pinatunayan ng mga mag-aaral,guro at magulang ng SDO San Carlos City dahil naniniwala ang mga ito na kung magtutulungan, gutom ay mawawakasan. |πππ’π£ππ¬π¨