𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗩𝗘𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟

Minsan lang daw ikakasal kaya make it Memorable.

Ang magsing-irog na si Niño at Yanna pinahanga ang kanilang bisita dahil sa kakaibang giveaway sa kanilang kasal.

Mga gulay at prutas na pananim ng groom na si Niño ang ginawang wedding giveaways sa kanilang mga bisita at tinawag itong “Love Store” o “Free Store”.

Si Niño, ay nag oorganize na rin kasi noon pa ng Free Store sa kanilang church. Mga aning gulay ang ipinamamahagi nila sa kaniyang mga churchmates.

Kaya naman naisip nilang ganito na rin ang gawin sa kanilang kasal bilang wedding giveaways. Nais kasi ng mag asawa na ang mga giveaways nila ay siguradong mapapakinabangan ng mga bisita at hindi itatambak lamang sa kanilang tahanan.

Ayon pa kay Niño, tatlo hanggang apat na buwan bago ang kasal nang magtanim siya ng mga gulay para siguradong aabot sa araw ng kasal ang pag ani sa mga ito.

Tuwang tuwa naman ang mga bisita nila Niño at Yanna dahil Agad na nag message ang mga ito sakanila matapos ang kasal at sinabing nailuto na daw nila ang gulay na galing sa kanilang Love Store.

Ang kwentong ito nila Niño at Yanna ay itinampok sa Facebook page ng isang event organizer at ngayon ay umaani na ng good feedbacks mula sa mga netizens.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments