𝗚𝗨𝗥𝗢, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗔𝗕𝗨𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟲 𝗣𝗨𝗣𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Hinipuan umano ng kanyang Guro sa maseselang bahagi ng katawan, ang isang 12-anyos na lalaki, isang grade 6 pupil sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Nangyari ang insidente, Linggo ng umaga, matapos papasukin ang biktima sa eskuwelahan para raw sa praktis sa nalalapit na graduation ceremony.

Ngunit batay sa salaysay ng biktima, imbes na praktis ang naganap, pinapasok ito sa isang silid at doon na nagsimula ang gurong molestiyahin ang mag-aaral.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at agad nilang inireklamo ang pangyayari sa mga pulis.

Sa ngayon, desidido ang pamilya na magsampa ng pormal na reklamo laban sa Guro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments