π—šπ—¨π—₯𝗒 𝗑𝗔 π—‘π—”π—žπ—œπ—£π—”π—š-π— π—˜π—˜π—§ 𝗨𝗣, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang isang kwarenta’y kwatro(44)– anyos na lalaking guro matapos umanong pukpukin ng bato ng kaniyang ka meet-up sa bayan ng Urbiztondo.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuang walang buhay at nakahandusay sa kalsada ang biktima.
Bago umano mangyari ang insidente, nakipag-kita at nakipag-inuman ang biktima sa kanyang ka meet-up na isang disiotso(18) anyos na lalaki na ngayon ay naituring na person of interest sa krimen.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at hustisya ang panawagan ng pamilya sa sinapit ng kanilang kaanak. | π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments