Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng mga guro sa bayan ng Agno matapos malunod ang osa sa mga ito.
Ang biktima ay nakilalang si Ronald Braganza residente ng Poblacion East sa nasabing bayan.
Naganap ang insidente Pasado alas diyes ng gabi Habang naliligo ang biktima Kasama ang ilang mga kapwa guro nito sa dagat ng biglang may Malakas na alon at tinangay sila.
Nagawang makaligtas ng mga kasama ng biktima subalit ito ay tinangay ng agos sa malalim na bahagi ng dagat dahilan upang humingi sila ng tulong sa mga otoridad.
Inabot pa ng dalawang oras bago nakita ang katawan nito na agad namang isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments