𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗚𝗕𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟵 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧

ILOCOS NORTE-Binugbog ng magkapatid na grade 9 student ang isang guro sa isang paaralan sa Piddig, Ilocos Norte.

Nag-umpisa umano ito sa pagsita ng guro sa isa sa estudyante na nasa kabilang classroom dahil maingay umano ito.

Ang guro, agad na inatake ng kapatid ng sinita sa pag-aakala umanong sasaktan ng guro ang estudyante.

Agad na inireport ang insidente at nadaan sa areglo ang insidente. Nagsagawa rin ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) ukol sa naturang pambubugbog ng dalawang estudyante sa guro.

Binatikos naman ng grupong Teachers Dignity Coalition (TDC) ang naturang insidente at iginiit na nakalulungkot na makita ang pananakit ng mga estudyante sa guro at bagamat hindi pa alam ang buong detalye kung bakit humantong sa pambubugbog ay hindi rin naman dapat umano isantabi ang posibilidad na may pananagutan ang mga naturang estudyante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments