Kinakailangan umanong malaman ng bawat Pilipino ang mga inisyatibo ng pamahalaan sa usaping pangkapayapaan.
Ito ang naging sentro ng isinagawang Ilocos Region Media Orientation na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU katuwang ang Philippine Communications Office (PCO) at Philippine Information Agency (PIA) sa Lingayen, kahapon.
Tinalakay ang Mas pinaigting pa ang kampanya patungong kapayapaan sa buong Ilocos Region sa kabila ng pagiging insurgency free o pagiging malaya sa anumang karahasan o kaguluhan ng mga rebelde. Binigyang-diin sa talakayan ang bawat gampanin ng mga ahensya, mga lokal na pamahalaan at ang media sa upang matututukan at maiparating sa sambayanan ang inisyatibo ng gobyerno sa pagpapalaganap ng kapayapaan.
Saklaw nito ang pagtaguyod ng Local Peace Engagement and Transformation Program sa ilalim ng Executive Order 17 na ending Communist Armed Conflict na kung saan binigyang kahalagahan ang gampanin partikular ang mga LGUs dahil nagsisilbing frontliners ang mga ito.
Ibinahagi nina PIA Deputy Director General For Knowledge Management and Strategic Communications Elmer Mesina at Project Development Officer V, Northern Luzon Area Management Unit Manager Adonis Bringas ang mga kaalaman ukol sa mga adbokasiya ng ahensya at mga programang inilaan ng gobyerno upang ipaalam sa mga tao lalo na ang mga kabilang sa GIDA na nakaalalay ang gobyerno para sa mga ito.
Samantala, bilang itinuturing na 4th state ng gobyerno ang media, inaasahan ng ahensya ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan upang magtutuloy na na makamit ang tinatrabahong peace process. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨