𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗡𝗔𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗣𝗪𝗗𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗗𝗘𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦

Nabahagian ang nasa 58 na Persons with Disabilities sa ikatlong distrito ng Pangasinan ng iba’t-ibang assistive devices tulad ng wheelchair.

Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ang Ilocos Training and Regional Medical Center, naging posible ang pamamahagi sa mga benepisyaryo sa tulong na rin ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo na kinabibilangan ng ilang menor de edad at senior citizen. Sa kabuuang bilang na nabanggit, 14 sa mga ito ay mula sa lungsod ng San Carlos.

Ang pamamahagi ay naglalayong matulungang maging produktibo ang mga PWD sa kabila ng kapansanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments