𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗥𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗥𝗔 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Hinagupit ng nagdaang Bagyong Kristine ang halos nasa apat na raang mga kabahayan sa Ilocos Region.

Matatandaan na ilang araw naranasan ang hagupit ng bagyo na umabot sa Signal No. 3 na may taglay na lakas ng hangin.

Pinakamaraming naitala na nasirang mga kabahayan ay mula sa La Union nasa 300, kung saan 296 dito ay partially abang may 4 na totally damaged.

Naitala rin ang 87 partially at 3 totally damaged sa Ilocos Norte, at dalawang partially damaged sa La Ilocos Sur at tatlo rin sa Pangasinan.

Sa kasalukuyan, inaalam na ng awtoridad ang mga apektadong munisipalidad at lungsod ang halaga ng danyos ng mga nasirang kabahayan nang makapag-abot ng tulong ang gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments