Umabot na sa halos isang milyong indibidwal o 953,149 na indibidwal ang nakinabang sa programa ng gobyernong Assistance to Individuals in Crisis (AICS) sa kalakhang rehiyon uno, mula pa noong taong 2022.
Ayon kay DSWD-Ilocos Region Director Marie Angela Gopalan, inilahad nito sa isang forum na food aid ang pinakahihiling sa ilalim ng programa. Anila, na urgent concern pa rin umano ang kagutuman, na sinusundan naman ng tulong pangmedikal, gayundin sa pag-aaral, pagpapalibing, transportasyon at iba pa.
Dagdag pa ni RD Gopalan, halos 80,000 na kabahayan ang napamahagian ng emergency cash transfer, samantalang halos 60,000 naman ang sumailalim sa cash-for-work at food-for-work programs.
Samantala, inihayag din ng ahensya na nagpapatuloy ang iba pang programa ng gobyerno tulad ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps, kung saan nasa 245,000 na pamilya sa rehiyon ang nakikinabang.
Kamakailan, nakipagsundo ang DSWD sa ahensya ng DOLE para naman sa programa bilang parte ng disaster response management bilang pagtugon sa nagdaang El Niño at paparating na La Niña. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨