Pumalo na sa 49 milyong piso ang halaga ng naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga apektadong residente ng Ilocos Region dahil sa nagdaang bagyo.
Ayon sa datos, 68,000 na pamilya ang napamahagian na ng mga family food packs at mga non-food items.
68,436 family food packs, 86 bottled drinking waters, 201 family kits, 87 hygiene kits, 87 kitchen kits, at 287 sleeping kits ang kabuuan.
Samantala, PHP40.79 million ang naipamahagi sa mga Pangasinense, PHP4.34 million sa La Union; PHP2.99 million sa Ilocos Norte, at Ilocos Sur, PHP 981,801. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments