𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚

Nasunog ang nasa 46 na stalls sa mismong public market ng bayan ng Bayambang.

Diumano, sumiklab ang sunog, gabi ng Mayo 3, sa nasabing palengke, na agad namang tinugunan ng BFP Bayambang katuwang ang iba’t ibang first responders sa nasabing bayan, tulad ng MDRRMO, PNP at iba pa. Tumugon din sa pag-apula ang mga fire responders sa kalapit nitong bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng BFP Bayambang, octopus wiring ang dahilan ng nasabing pangyayari. Kung saan, pawang gawa sa light materials ang ibang stalls, kaya’t mabilis na kumalat ang apoy, gayundin ay nasilibi ring mitsa sa pagkalat ng apoy ang mga tolda, ayon naman sa MDRRMO.

Ayon naman sa datos, wala namang naiulat na namatay o nasugatan ngunit nasa 35 ang totally damaged stalls, 7 ang partially damaged, samantalang 4 naman ang wala sa interview at ang isa mula rito ay hindi alam kung kanino ang stall.

Samantala, agad namang nag-abot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan upang makabangon mula sa hindi inasahang pangyayari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments