𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗛𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥

Kabuuang 259 na indibidwal mula sa Ilocos Region ang naitala ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 sa ginanap na 2024 Kalayaan Day Job Fair sa iba’t-ibang panig ng Ilocos Region.

Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan sa bansa, nakiisa ang 105 employers na may hatid na 15,934 job vacancies kung saan 11,493 dito ay local job oppurtunities habanv 4,441 naman ang sa overseas.

Kaugnay nito, isinagawa rin ang Kadiwa ng Pangulo sa pakikipag-ugnayan sa opisina ng Provincial PESO at Provincial Agriculturists sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Norte at Pangasinan.

Kabilang pa sa mga ahensya na kaisa sa aktibidad ay ang DTI, DILG, OWWA at PSA na nagbigay serbisyo sa document assistance at information dissemination bukod pa sa iba.

Nagbigay-daan ang Kalayaan Job Fair sa maramihang pagpipilian ng trabaho na nais itaguyod ng mga indibidwal sa kalakhang Ilocos Region. Isinulong din sa pamamagitan ng aktibidad ang tugon sa kawalan ng trabaho at paglago ng ekonomiya sa bansa.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments