𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗨𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗜𝗠𝗣𝗥𝗔𝗦𝗧𝗥𝗔𝗞𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗥𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗

Pumalo na tatlumpung kabahayan at imprastraktura sa Ilocos Region ang nasira bunsod ng Bagyong Enteng at Habagat.

Ayon sa kabuuang datos na nakalap ng Office of the Civil Defense Ilocos Region mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 at mga PDRRMOs, labinlimang kabahayan ang partially damaged at isa ang totally damage.

Nasa labindalawang imprastraktura naman ang naitalang nasira na lahat ay mula sa Pangasinan at nagkakahalaga ng P69, 500, 000.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng RDRRMO ng rehiyon sa mga local DRRMs sa pagbibigay datos sa mga apektadong residente dala ng masamang panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments