Umabot sa halos 17,000 na mga barangay frontliners sa buong lalawigan ng Pangasinan ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahaalang Panlalawigan ng probinsya.
Kabuuang 16, 794 na kinabibilangan ng mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Service Point Officers at Child Development Workers na mula sa anim na distrito ng Pangasinan ang napamahagian ng halagang dalawang libong piso kada isang tao.
Ito ay bilang pagkikila sa kanilang mga sakripisyo at tungkulin na ginagampanan sa mga kinaroroonang barangay sa kanilang mga lungsod at munisipalidad.
Samantala, malugod itong tinanggap ng mga barangay frontliners at makatutulong sa kanilang selebrasyon ngayong pagsalubong sa Bagong Taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments