Naipamahagi na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang Social Pension laan para sa mga Senior Citizens.
Nasa halos anim na libo o kabuuang bilang na limang libo, limang daan at pitumpu’t-lima mga elders ang tumanggap ng nasabing payout.
Nasa anim na libong piso (P6,000) bawat isa ang naibigay kung saan maaari nila itong magamit sa kani-kanilang pangangailangan tulad na lamang ng gamot.
Samantala, unang bugso pa lamang ang distribusyon ng social pension na mula Enero hanggang Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments