𝗛𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Tuloy pa rin ang pag-iikot at pagbabantay ng hanay ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Alaminos sa mga dinarayo beaches at park sa kanilang lungsod para masigurong ligtas at walang ano mang disgrasyang mangyari sa mga turista at ibang lokal na bisita.

Bahagi pa rin ng pagbabantay at pag-iikot na ito ng Oplan SumVac bilang katuwang nito ang mga iba’t iba ring ahensya at departamento ng lokal na pamahalaang lungsod.

Simula unang araw ng pagdaos sa Semana Santa ay todo ang monitoring at pagbabantay sa mga beaches at park tulad sa Hundred Islands National Park, Bolo Beach, Lucap Park at Mangrove Park.

Sa ngayon, nais ng hanay na magtuloy tuloy ang maayos at ligtas na bakasyon ng mga turista sa kanilang pagbisita sa lungsod lalo at isa sa prayoridad nito ang pagpapalakas pa ng kanilang sektor ng turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments