𝗛𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗔𝗡𝗧𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Patuloy na nakaantabay ang hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan sa selebrasyon ng holiday season.

Nauna nang nagsagawa ang mga ito ng pre-deployment at briefing bilang paghahanda sa mga nasabing pagdiriwang.

Nagpapatuloy din ang traffic assistance sa tulong ng POSO officers ng mga munisipalidad at lungsod sa probinsya upang mamonitor at magresponde sa maaaring mga traffic congestions kasunod ng dagsa ng mga tao at mabigat na daloy ng trapiko.

May kanya-kanya ring deployment ang mga ito sa mga simbahan na silang titiyak sa kaligtasan ng mga Churchgoers hanggang sa mga araw ng may magaganap na misa.

Samantala, mas pinag-iigiting pa ng kapulisan ang police visibility sa ilan pang mga pook-pasyalan sa lalawigan ngayong pagdiriwang ng holiday season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments