𝗛𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥/𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗔 𝗣𝗥𝗜𝗩𝗔𝗖𝗬 𝗟𝗔𝗪 𝗔𝗧 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗗𝗢𝗠 𝗢𝗙 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Sumailalim ang mga nasa hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan sa isang seminar at workshop ukol sa Data Privacy Law at Freedom of Information.

Dito, tinalakay ang mga mahahalagang usapin at mga dapat sundin na nakapaloob sa Executive Order Data Privacy Act at maging ang importansya ng kaalaman ukol sa Freedom of Information.

Nasa limampung miyembro naman ng hanay ng kapulisan mula sa iba’t-ibang Municipal at City Police Station sa lalawigan ang nakibahagi sa naturang seminar at workshop.

Kasama rin sa naturang kaganapan ang mga naimbitahang media practioners sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments