Sinisiguro ng hanay ng Provincial PNP ng Pangasinan na mananagot ang sino mang magpapalaganap o magtatangka ng bomb threat o bomb joke matapos na sunod-sunod itong maranasan sa ilang bayan sa probinsya nito lamang.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PNP PIO Chief Police Captain Renan Dela Cruz, ang sino mang magmemensahe ng bomb threat o bomb joke, totoo man o hindi ay haharap sa kaukulang pasura limang taong pagkabilanggo at penalty na nasa 40,000 pesos.
Dagdag pa nito, may bomba o wala man sa mga lokasyon kung saan may pagbabanta ng pagsabog ay maigi pa rin itong pupuntahan at tututukan ng awtoridad para sa kaligtasan ng nakararami.
Samantala, gumagawa naman na ng paraan ang Cybercrime Unit ng PNP para ma-track kung sino at saan nga ba tunay na nagmula ang mga naturang bomb threat messages. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨