Aabot ng hanggang sa syete pesos ang hinihirit na dagdag presyo sa ilang piling mga grocery items ng mga product manufacturers.
Nasa ₱2 hanggang ₱2.50 naman ang nakaambang pagtaas sa presyo ng ilang uri ng pandesal at tinapay.
Kung aprubado na, posibleng maranasan ang taas presyo sa mga basic commodities tulad ng bigas, sardinas, instant noodles, canned meat, kape, bottled water at mga condiments.
Samantala, nasa animnapu’t tatlo o 63 ang bilang ng mga maaaring magkaroon ng price adjustments na inaaasahan sa unang quarter ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments