Mas pinalalakas pa ngayon ng Department of Health – Center for Health Development 1 ang kanilang pagresponde sa health sector upang patuloy na maiwasan ang pagkakatala ng mpox sa Ilocos Region.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Medical Officer IV, Dr. Rheuel Bobis, ilan sa mga tinututukan ngayon ay ang specimen testing ng sakit, inaasahang pagtatakda ng laboratory para sa kaso nito, isolation capacity, paghahanda sa mga isolation facility na hindi ginagamit ng mga ospital.
Ayon kay Bobis, ibayong pag-iingat ang kailangan lalo na at mas nakamamatay ang mpox kumpara sa COVID-19 lalo na sa mga kabilang sa vulnerable sector.
Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask at maghugas ng kamay upang maiwasan ang tyansa ng pagkakahawaan hindi lamang ng nasabing sakit kundi ang iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨