𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝟱𝟮 𝗗𝗘𝗚𝗥𝗘𝗘 𝗖𝗘𝗟𝗦𝗜𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢

52 degrees Celsius, yan ang posibleng abuting temperature ng heat index sa lungsod ng Dagupan sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Ayon sa inilabas na post mula sa tanggapan ng alkalde ng lungsod, possible pa umanong tataas ang temperatura ng heat index sa lungsod sa buwan ng Mayo kaya naman mainam na makapaghanda ang pangangatawan at sundin ang kakailanganin ng kalusugan para maiwasan ang mga sakit na maaari nitong idulot.

Kung sakali umanong makaranas ng heat stroke at heat exhaustion ay mainam na magsagawa ng first aid treatment gaya ng paghahatid sa nakararanas nito sa mga bahagi kung saan may silong at tanggalin ang mga excess at masisikip na damit para makahinga ang katawan nito.

Ilubog ang mga kamay at paa sa malamig na tubig, basain ang balat kung maaari at gumamit rin ng pamaypay.

Kung tumutugon na ang nakakaranas ng heat stroke o heat exhaustion ay maaari na itong painumin ng kaunting tubig.

Patuloy na imonitor ito kung mabilis manifestation ng heatstroke tulad ng hirap sa paghinga, seizure, at pagkawala ng malay, at kung kinakailangan ay dalhin na agad sa ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments