𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗡𝗚𝗘𝗥 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟

Pumalo sa 44.1 degree celsius ang naitalang heat index ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan, kahapon.

Kabilang ito sa danger level category kung saan mataas ang tyansa ng magdulot ng heat exhaustion at heat cramps.

Ito ay sa kabila ng nararanasang mga pag-uulan sa probinsya sa iba’t-ibang bahagi na may kasamang mga pagkulog.

Pinapayuhan ang mga Pangasinense na ugaliin ang pag-inom ng tubig aat pag-iwas muna sa mga mabibigat ng aktibidad ngayong nararanasan ang mainit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments