𝗛𝗘𝗠𝗢𝗗𝗜𝗔𝗟𝗬𝗦𝗜𝗦 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧-𝗥𝗨𝗡 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Target ngayon ng Provincial Hospital Management Services Office na malagyan ang lahat ng government run hospitals sa Pangasinan ng hemodialysis center.

Sa kasalukuyan, dalawang hemodialysis center lamang ang mayroon sa lalawigan na matatagpuan sa Pangasinan Provincial Hospital at Urdaneta District Hospital.

Ayon kay Provincial Hospital Management Services Office Medical Officer III Dr. Racquel S. Ogoy, nagpapatuloy na ang pagsasaayos ng mga kaukulang permits para sa hemodialysis machine tulad ng Environmental Compliance Certificate.

Inisyal na iginagawad ng Pamahalaang Panlalawigan ang 13 hemodialysis machine sa Lingayen District Hospital at 15 naman sa Eastern Pangasinan District Hospital kapag naisaayos na ang lahat ng kinakailangang dokumento.

Malaking tulong ito upang maibsan ang hirap ng mga pasyente dahil hindi na kinakailangan pa na bumyahe sa malalayong lugar makapag pa dialysis lamang.

Kaugnay nito, binigyang diin ng opisyal na walang babayaran ang mga indibidwal na nadiagnose ng chronic kidney disease stage 5 o CKD5 na rehistrado sa PhilHealth Dialysis Database ayon sa kautusan ng Philhealth na epektibo noong July 1 ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments