Nakatakdang ipatawag sa regular session ng bayan ng Mangaldan ang Hepe ng kapulisan doon dahil sa ilang insidente ng pagpatay sa bayan.
Ito mismo ang kinumpirma ni Mangaldan Councilor Pro Tempore Presiding Officer Aldrin Soriano, sa naging panayam ng IFM Dagupan.
Ayon sa opisyal, nais lang nilang malaman ang estado ng hanay ng PNP kaugnay dito at kung ano ang mga puwedeng gawin na mga ordinansa.
Bagamat magkaibang dahilan ang ilang insidente dito, nais matiyak ng opisyal ang kaligtasan ng mga taga-Mangaldan.
Isa sa tinitignan ay ang pagpapaigting ng seguridad sa bayan lalo at isang lagusan ang bayan ng mga papuntang norte at pabalik sa Dagupan City.
Matatandaan na magkasunod na pinaslang ang Barangay Captain ng Poblacion at Barangay Kagawad ng Guilig habang noong isang gabi naman ay pinatay ang isang ginang ng kaniyang dating live-in partner. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨