𝗛𝗜𝗚𝗛-𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗗𝗗𝗘𝗟𝗔, 𝗤𝗨𝗜𝗥𝗜𝗡𝗢



Cauayan City — Arestado ang isang high-value individual matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion Norte, Maddela, Quirino alas-onse ng gabi noong Enero 5, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Gary,” 29-anyos, empleyado at residente ng nasabing barangay. Naaresto siya matapos umanong magbenta ng hinihinalang marijuana sa isinagawang operasyon.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang hinihinalang ilegal na droga na itinuring bilang ebidensya.

Isinagawa sa lugar ng operasyon ang imbentaryo, pagmamarka, at pagkuha ng litrato ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga kinatawang awtorisado, alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Maddela Police Station at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: PNP Maddela

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments