𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Umaabot sa mahigit isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang high value target sa usapin ng illegal drugs sa Urdaneta City.

Ang suspek ay nakilalang si Christopher Ryan Velasquez.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas dos ng madaling araw sa Brgy. Nancayasan sa nasabing lungsod na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng dalawang knot-tied plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 200 grams at nagkakahalaga ng mahigit ₱1.3 Million.

Hawak na ngayon ng mga otoridad ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments