Nasa ₱10. 27 ang kabuuang halaga ng dagdag singil per kilowatt hour na ipapataw ng Dagupan Electric Corporation o DECORP ngayong buwan kumpara sa ₱9. 49 noong nakaraan.
Ang naturang dagdag singil ay para hindi na, o hindi madalas na magkaroon ng rotational brownout kahit na mataas ang demand at handa ang power reserve para masiguro ang sapat na suplay sa mga konsyumer.
Pagbabahagi ng spokesperson ng DECORP na si Atty. Randy Castilan, ang dalawang rason ng dagdag singil. Mula ₱5. 01 na singil per kwh sa generation charge tumaas ng 27 centavo ang singil dito. Tumaas din sa ₱0. 89 ang singil sa transmission charge na noon ay nasa ₱0. 51.
Nagtaas din umano ang coal sa pandaigdigan merkado dahilan para magtaas din ng singil ang supplier ng DECORP na isang coal-fired powered plant. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨