Umabot na sa higit apat na raang libong piso o ₱400, 000 ang halaga ng kita ng Laoac Dairy Farm, sa bayan ng Laoac, sa Pangasinan sa unang dalawang buwan pa lamang ng taong 2024.
Matatandaan na nasa higit dalawang milyon naman ang naitalang kita noong nakaraang taon.
Inaasahan na muling makatutulong ang naturang dairy farm sa bayan upang mas mapalakas pa ang ekonomiya ng lalawigan at mapakinabangan mga Pangasinenses.
Sa kaugnay na balita, nagsagawa naman ang probinsya ng Ilocos Norte ng benchmarking dito upang makita ang operasyong nagaganap sa nasabing industriya.
Samantala, sa Laoac Dairy Farm ay inalagaan ang mga baka at kalabaw upang maayos na makapagproduce ang mga ito ng gatas na siyang ibinebenta sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments