𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗥𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢𝗬 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦𝗟𝗜𝗗𝗘 𝗔𝗧 𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗘𝗟

Tinukoy na Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau Regional Office 1 ang nasa mahigit anim na raang barangay sa Ilocos Region na Flood at Landslide Prone Areas.

Ibinase ito ng ahensya sa pinakahuling Rainfall and Track Forecast ng DOST-PAGASA kaugnay ang Bagyong Ofel.

Kabuuang 638 barangays ang kabilang sa posibleng makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa kung saan 327 barangays mula sa La Union, 183 barangays ay mula sa Ilocos Norte, 81 sa Pangasinan at 47 sa Ilocos Sur.

Inabisuhan ng ahensya ang Regional OCD sa pagpapaalala sa mga LGUs at kanilang mga LDRRMOs na maging alerto sa paghahanda sa posibleng sitwasyon na epekto ng bagyo.

Pinaalalahanan din ang mga low-lying areas at mga lugar na malalapit sa mga coastal na umantabay sakaling tuluyang maranasan sa rehiyon ang pananalasa ng Bagyong Ofel.

Samantala, maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang inaasahang mararanasan sa buong Ilocos Region na dulot ng bagyo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments